JuliElmo Fever

Julielmo FF (ADIKS): My Sweet Eigtheen FF (page 1-20)

ashiel17192000:

http://ashiel17192000.tumblr.com/post/12548398255/my-sweet-eigtheen-ff-page-1

http://ashiel17192000.tumblr.com/post/13202100513/my-sweet-eigtheen-ff-page-2

http://ashiel17192000.tumblr.com/post/13301332805/my-sweet-eigtheen-ff-page-3

(via shiela17192000)

Source: ashiel17192000

  • Question: waaaaaaaaaaaaaaaaaah. i Love your "isang tagay" - napansin ko rin yung pagdikit ng ulo ni Elmo sa head ni Julie sabay side view pa na muntikan ng makiss niya sa fez c Julie. haha. Eh yung ang tagal ng mga updates mo sa #MCSL at #SiA haha. Naglaho ka ba? - Anonymous
  • Answer:

    nagpahinga lang! hahahaha thanks at nagustuhan mo, babalikan ko din yang #MCSL at #SiA! :))

  • Question: ahahah,,B1 B2,,madam nbitin ako s 1 shot mo pede gawan mo ng part 2??? aihihihihi *wink - Anonymous
  • Answer:

    pwede! hahaha hintayin ko gagawin nila this sunday :D

  • Question: woooooooooooooohhh!! sa wakas may mbasa din sau,,hahaha,,,wahahah,,,galing coh s timing no madam!!! hahaha - Anonymous
  • Answer:

    oo nga e! para kang si B2! hahaha alam mo ang iniisip ko :P

  • Question: madam wala k bng balak mg update kahit ano,,haizzzttt!! hahahaha - Anonymous
  • Answer:

    meron! hahaha sakto naman! :P kaka post lang! hanglakas!!! hahahaha

Text

“I Miss Her”

tiningnan nya ang hawak na Tablet

“Julie”

napangiti siya, kuha ang pics na yon nung hinalikan siya ni Julie sa cheeks

“I know.. Maghihintay na naman ako, (sighs) pero sana naman, buksan mo na ang puso mo, dalawang taon na ako naghihintay sayo”

“Pssttt Elmo! tara na, alis na tayo”

napapitlag si Elmo at nagmamadaling ini-off ang tablet

“O-k Max! ayusin ko lang yung gamit ko”

napataas ang kilay ni Max sa nakitang pagkataranta ng kapatid

“Mauna na ako sayo, okay? sa parking na lang tayo magkita”

“Uh-Ok”

.

.

nagmamadali siyang naglalakad sa hagdan ng makasalubong nya si Julie at ang Mommy nito na pababa din sa hagdan

“Julie!”

sabay beso nya dito at ngiti sa Mommy nito

matipid na ngiti ang ginanti sa kanya ni Julie, bigla siyang nakaramdam ng pagka-asiwa 

tumango lang ito at Hindi na nagsalita nauna na itong bumaba ng hagdan

Alam naman nya kung bakit ganon ang pakikitungo sa kanya ni Julie…at di nya namalayan ang pag flashback ng lahat..

.

.

“Moe…uhhmmm Favor naman..Ano kasi..pwede ba kitang maging ano.. maging special guest sa thanksgiving Concert ko?”

amused na tiningnan ni Elmo ang biglang pamumula ng pisngi ni Julie

“My pleasure..” halos pabulong nyang nasabi dito

“Huh?” ulit ni Julie sa sinabi nya

“Ang sabi ko, Sure!” maige na lang, hindi nya naintindihan sa loob loob nya

“Thank you ha? ineexpect ka kasi ng mga fans..at alam kong matutuwa sila” masayang sabi pa ni Julie sa kanya

“Kahit na Hindi mo ako imbitahin, paniguradong pupunta ako doon”

“Wehhhhhh!!”

“Oo nga..i want to witness your first concert, and ako pa dapat na mag thank you sayo”

“Bakit?”

“Kasi you want me to be a part of it..”

then she smiled again..sweet smile..sweet…Lips

heaven Lord! kung ano ano pinag-iisip nya!

“JuliElmo! Kayo na ang susunod”

mabuti na lang sinalo ni Direk ang moment na yon, malalim na buntong hininga ang hinugot nya para maibsan ang biglang pagbangon ng kakaibang pakiramdam na yun para kay Julie

.

.

.

“Julie, Happy birthday, i wish you more success, at sana wag ka magbabago, alam ko na marami na tayo napagdaanan at masaya ako na lagi kita nakakasama”

sabay abot ng boquet of Roses at ngiti ng malawak sa Salamin

ilang beses na siyang nagrerehearse ng sasabihin mamaya sa concert ni Julie, nakailang palit na siya ng damit, inayos niya muli ang buhok na 10 mins nyang inaayos

“Moe! let’s go! ang tagal mo naman mag-ayos, ate Julie is waiting for us!”

”Eto na po, Where’s Mom?”

“In her Room, i’ll call her na okay? labas ka na sa room mo”

sabay alis sa kwarto nya na at iniwan pa iyon nakabukas, napailing na lang si Elmo kay Clara, parang matanda na talaga ito kumilos sa edad nito, Hindi niya naman ito masisisi kung bakit pinagmamadali din siya, Idol kasi nito si Julie.. at gustong gusto ito ni Clara

“Wait, did she just say ate Julie? tapos ako Moe lang?” sabay kamot sa chin nya

.

.

.

♫ I want you to know and Let it show that i’m inlove.. everytime i see you near i wanna be close to you but how can it be? coz i know it’s impossible to make it happen, but still.. you are..Baby you are..”

Parang kung anong humatak kay Elmo nang sandaling yon, mula sa nagkakagulong fans, sa mga maingay na tilian habang kinakanta at ginigitara ni Julie ang sinulat nitong kanta, pakiramdam nya.. parang siya yon..parang..nakalaan yon sa kanya.

at bago pa niya mapigilan ang sarili bigla na lang nanulas sa kanyang mga labi ang katagang…

“Baby?”

(Andyan na si Wafu….!!!) 

Lalo pa nagtilian ang mga fans, at nakita nya ang mga magugulo nitong mga tingin sa harapan ng stage

“Baby?”

(Then the crowd goes wild again)

“Nasan ka ba?” nakita nya ang paghahanap ni Julie sa kanya

maluwang siya napangiti at dumaan sa gitna ng mga fans

“Ayun o!!” sabay turo nito sa kanya

napagtuunan ko ang kabuuan ni Julie ng sandaling yon, ang ngiti nito na umaabot hanggang sa mata, ang pilik mata nito na talagang nagbibigay buhay sa kinang ng mata nito, di nya maiwasan ang tumitig sa mukha nito, at biglang may kung anong kumabog sa dibdib nya hanggang sa mapalapit siya dito at makaharap sa gitna ng stage

hiyawan ng mga fans ang sumalubong ng magkalapit sila, ipinagpasalamat nya yon, kahit paano naitatago nya ang kabang nararamdaman, nakabalik ulit siya sa sarili, nagbiro siya dito at gumawa ng istoryang gawa gawa nya lang, para ma lighten ang  madalas na nangyayari sa kanya kapag kasama nya si Julie.

nang matapos siya, Niyaya na siya nito para mag duet sila, pero pinigilan nya ito para muling makapagbigay ng birthday message, sabay abot ng hawak na roses

Habang nagsasalita siya iniwasan nyang wag tumingin dito, lagi siyang nakatingin sa taas o sa mga fans, basta hindi direkta sa mukha ni Julie, kung anong ni rehearse nya kanina yun ang sinasabi nya

pero sa paglingon nya di sinasadyang nag meet ang mga mata nila, at muli na naman siyang nabulol at wala sa ni rehearse nya ang katagang lumabas sa kanya

“and alam kong..alam kong proud ako sayo at alam kong saan ka man magpunta kasama mo ako”

at kasabay noon, niyakap ko siya ng mahigpit, di ko na alam ang nasabi ko, basta ang alam ko, yakap ko ang babaeng una pa lang ay minahal ko na 

nung tumingin siya, sinabayan ko iyon ng halik sa pisngi pero tumama iyon sa may leeg ni Julie, nagulat ako at biglang humiwalay sa pagkakayakap kay julie, inalala ko na baka kung ano ang isipin nito, pero nakangiti lang ito, hindi ko mapigilan ang hindi rin mapangiti sa nangyari, biglang kinuha ni Julie ang gitara, alam niyang nahiya ito, at kasabay non pumalibot ang tugtog, at nagsimula na silang kumanta..

“Just A kiss”

.

.

.

“You are Invited to Julie Anne San Jose’s 18th Birthday”

“Moe, may 3 eksena pa tayo with Miss Alice Dixon, kayo na ang susunod na isasalang”

sabi ng assistant ni Direk Mac sa kanya

malumanay nyang nilapag ang invitation sa ibabaw ng script nya at humugot ng malalim na buntong hininga

“What now?” malungkot na napatitig siya doon

gustuhin man nya pumunta at makasama si Julie sa espesyal na araw nito, pero hindi siya pinayagan ng pagkakataon

“Ang Hirap Makasama ang isang tao na nasa harapan mo lang, nayayakap at nahahalikan pero Hindi mo pwedeng ariin at mahalin”

kung iniisip nya lang ang nararamdaman nya, kanina pa siya nasa debut ni Julie, pero alam nya kapag ginawa nya yon, nagpapatunay lang yon na nagpapakita siya ng interes kay Julie, at iyon ang iniiwasan nya, ayaw nyang ma pressure ito lalo na sa mga magulang nito, dahil alam nya ang prayoridad ni Julie.. at hindi siya kasama doon, kahit na ramdam nyang may gusto din ito sa kanya..

.

.

.

tipid lang siya kausapin ni Julie nung nagrehearse sila kanina, alam naman nya.. nagtatampo ito, kabisado na nya ang ugali nito..at ito lang ang tamang oras na naipaparamdam nya dito ang gusto niyang sabihin.. 

“Julielmo, may kiss kayo dito ha? sa cheeks lang naman!”

napatingin siya kay Julie, at nakita nya lang ito nakangiti, pero hindi nya napansin ang biglang pag pout nito dahil nakaiwas na siya ng tingin

.

.

bago magsimula ang prod namin nagpunta kami sa backstage at kinunan sa tablet ang pagkiss namin sa cheeks, ang saya ng pakiramdam nyang muli maramdaman ang pagdampi ng labi ni Julie sa pisngi nya, at hindi nya mapigilan ang hindi matuwa at nilapit nya pa ng husto ang mukha sa pisngi ni Julie at hinalikan nya iyon ng madiin

ngiting ngiting tumingin siya dito pagtapos, pero nauna na itong maglakad  patungo sa stage

.

.

hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni Julie habang sinasabayan ito kumanta

“There’s no guarantee that this will be easy..It’s not a miracle ya need, believe me.

Yeah, I’m no angel, I’m just me,

(sabay kuha ng kamay nito at dinala sa tapat ng puso ko)

..But i will love you endlessly”

para sa kanya ang part ng song na yon.. walang kasiguraduhan ang parte ko sa buhay niya pero iisa lang ang sigurado ako, mamahalin ko siya katulad ng sinasabi sa kantang ito

this maybe not the right time..But Baby You are the right girl for me.

muling tingin nya dito at dahan dahan nyang dinikit ang ulo nya kay Julie kasabay ng pagpapakita nila ng kiss nila sa tablet

  • Question: may next chapter pa po ba itong Swear it all over again.. bitin po e.. please - rachelbalagot
  • Answer:

    Uhmmm Meron yan! hahaha ♥

  • Question: Next Chapter po ulet ng My Crazy, Stupid Love please - rachelbalagot
  • Answer:

    sensya na po, ilang araw ako wala connection, ngayon lang ulit, mag aadik ulit ako dyan, soon :D

  • Question: Hala! Haha 3weeks lang naman ako um-absent sa pag aadik.. :) yung pasulobong ko!! =) choss! - machobajojoy
  • Answer:

    panis na! hahahaha 3 weeks ba naman!! :P next time gawin mo lang 3 days!! :D

  • Question: Ate ashiel!!! :DD - machobajojoy
  • Answer:

    heeeyyyyyyyy…para kang si lady gaga! biglang nabuhay! hahahah #hanudaw?